UP Computer Science Interns' Blog

April 24, 2010

Unang POST (o GET?)

Filed under: azeus_200727018 — edgarfelizmenio @ 7:21 am
Tags: , , , , ,

Pangatlong linggo na pala namin sa Azeus (April 5 kami nagsimula) pero ngayon lang ako maglalagay dito dahil di ko talaga alam kung ano ang magandang ilagay dito. Madami kasing nangyayari sa isang araw, kaya tulala lang ako gabi-gabi kakaisip ng masusulat dito. hahaha

Una sa lahat, wala talaga akong balak na kumuha ng OJT (at CS195) ngayong summer. Nagkataon lang na wala kaming klase sa CS140 noong unang semestre at pumunta kami sa company talk at onsite exam ng Azeus sa Lecture Hall ng UP AECH para meron naman  kaming magawa. Noong nalaman ko na pumasa ako sa exam, tinuloy ko na ang application ko for OJT hanggang sa personal interview dahil ayon sa mga kaibigan(?) ko, “swerte” na daw ang tanggapin ka sa Azeus bilang isang trainee at nagtitiwala ako sa mga kaibigan ko.

Pangalawa, hindi ako nakaabot sa orientation at introduction ng company sa interns (iyon ay kung meron man, hindi pa ako nagtatanong sa mga kasama ko kung meron nga) pero pamilyar na ako sa company na ito dahil nakapunta din ako minsan sa isa sa kanilang  mga company talk at dahil na rin sa tsismis. hahaha

Kahit papaano ay kilala ko narin naman ang iba pang trainees/interns (kung ano man ang tawag dun) dahil sabay-sabay kaming kumain sa isang silid sa 29th floor ng PSE West Tower (28th floor ang Azeus at tama ang hula mo, nagdadala kami ng baon) katulad ng iba pang empleyado. Tatlo kaming taga UP Diliman (dalawa kaming nakaenroll sa CS195), dalawa sa UP Manila, tatlo sa Ateneo de Manila (BS Management Information Systems ang kurso ng dalawa), dalawa sa UP Los Baños at lima sa La Salle (BS Math ang isa sa kanila at ngayong linggo lang sila dumating dahil trisem sa La Salle).

Pangatlo, tapos na kami sa technical learning phase ng proyekto namin, at dahil nilagay nila ako sa server side ng project (dito palang halata naman na may kinalaman sa web development ang proyekto namin), tinuruan nila ako (at pinaaral din nila ako) at ang aking kagrupo na si Lynzle ng HttpServlet at CometProcessor. Bukod sa pagbibigay nila sa amin ng kaalaman sa javax.servlet package ng Java, binigyan din nila kami ng kaalaman sa Document Object Model (DOM), JavaScript (js), Java Server Page (jsp), Asynchronous JavaScript And XML (AJAX) at JavaScript Object Notation (JSON) para maintindihan din namin ang mga nangyayari sa client side ng proyekto para magawa namin ng maayos ang server side.

Panghuli, katatapos lang namin ngayong linggo sa design phase ng proyekto at nagsisimula na kami sa coding phase. Dito ay aking napag-alaman na kulang pa ang aking nalalaman sa Design Patterns (na tinuturo sa CS 192) at sa Object Oriented Analysis (na tinuturo sa CS12).

Title related: Wala akong maisip na title, at dahil ito ang una kong post, yan ang nilagay kong title. Noong mga unang araw ng OJT hindi ko talaga maintindihan kung bakit may GET method ang http request message gayung meron namang POST method (tinuro ito sa CS145 pero nakalimutan ko na). hahaha

Bakit ako lang ang gumagamit ng Filipino? Nagtatanong lang.

– Edgar

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: