UP Computer Science Interns' Blog

May 13, 2010

Fourteenth Day at Jae Saeng Phon

Filed under: jsp_200716341 — Paul Rossener @ 8:50 am
Tags: , , ,

Spoiler: This blog is purposefully written in two languages to distinguish what happened today and what happened before.


They say that the aftermath is worse than the earthquake itself. Whoever they are, I agree with them.


I know this feeling. I have felt this before. Though I can’t remember when. Or maybe I don’t want to remember when.


Dumating ako sa JSP ng may kumikirot na puso. Baka ito na ang huling araw ko dito. I suggest that you resign from your post there and continue your OJT here at the dept. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang mga sinabi sakin ni Sir Rom sa email ng tanungin ko siya sa kung ano sa tingin niya ang dapat kong gawin. Naalala ko ang mga 2NE1 songs ni Dave na naka-forever loop. Mami-miss ko ang mga iyon.


Dahan-dahan akong pumasok sa building. Kung huling araw ko man ito, mas mabuting sulitin ko na ang bawat pagyapak ko dito.

Paano na yung OJT natin kung wala na si Sir Jovy?Hindi ko din alam. I responded with honesty. It was Kuya Kevin who asked me while we were going to the resort.


Mistulang naging parang abandonadong building ang kompanya. Wala ng mga tao. Patay ang mga ilaw. Walang ingay. Nakakabingi. Nakakalungkot.

Hindi lang pala si Sir Jovy ang tinanggal. Madami din sila. Nagco-cost cutting kasi ang JSP. Joel explained to me what happened during the general meeting.  But I can’t still understand why.


Gusto ko man sabihan ng Good Morning si Ate Guard, nakita ko na ang nanlalamya niyang mga mata. Ang tahimik na po ngayon no? Hindi siya umimik.

Oh so you’re from UP pala? Malapit kami dun nakatira dati. Sa may Cubao. Alam mo yun? Ate Guard entertained me while I waited for Kuya Kevin. I just finished my interview with Sir Jovy. He said I can start my OJT next week.


Binuksan ko ang pintuan sa IT. Nadatnan ko si Sir Neal na nag-aayos ng computer. Ngumiti ako. Ngumiti siya. Pero sa likod ng mga ngiti namin ay sumisigaw ang mga nangungulilang damdamin. Hindi na naming makikita si Sir Jovy muli.

Ganun talaga. Medyo shocked nga din ako kung bakit mga managers pa ang tinanggal. Pero kung sa bagay, sila kasi ang may matataas na suweldo. I don’t know what just happened. All I know is Sir Jovy is leaving. And I may be next.


Dumating ang iba ko pang mga kasama. Unti-unti ng lumakas ang pag-alingawngaw ng tunog ng kalungkutan sa IT. Sayang, ang saya pa naman sanang pag-usapan yung swimming. Bad timing naman ngayon. May pagkadismayang sinabi ni Dave.

The feeling of uncertainty that I will still be staying at JSP was killing me. Actually kinausap nga nila ako kanina. Sabi, may balak daw silang magtanggal ng mga OJT. Pero sabi ko wag, sayang naman ang mga nagawa ng mga bata. Tanggalin niyo na ang allowance, wag lang sila. Sir Jovy told us how we are also in danger. He said said after spilling the bad news of his six months suspension.


Pupunta din pala si Sir Jovy dito maya-maya para maghakot ng mga gamit. Medyo nabuhayan kami. Habang nag-hihintay ay nag-blog muna ako. Wala na din kasi akong gagawin na. Release stage na yung system namin, kaya hindi ko na pinakialaman pa.

Eto ang una mong gagawin ha… Sir Jovy laid to me the details of the system. I will be honest, I was really challenged. Sige po, gagawin ko.


Pumasok si Sir Jovy sa IT na parang wala lang. Sana nga wala lang. Hindi pa man siya nakakatagal sa IT ay pinatawag na siya.

Gusto ko pa rin silang kausapin bago ako tumuloy sa UP mag-OJT. Baka naman kasi akala nila kailangan ko nung allowance. Okay lang sakin kahit wala. Yung experience naman ang habol ko dito. At siyempre yung time.. I texted Kuya Kevin about my plans for Monday. He said he’ll join me.


Patuloy ako sa paggawa ng blog entries. Day 4… Day 5… Magre-resign na din ba ako? Tutal naman wala na din si Sir Jovy, baka wala na kong susunod na projects. Day 6… Day  7… Pero ayoko paring iwan ang JSP. Day 8… Day 9. Eto na ang lahat ng nagawa ko.


Pumasok si Sir Jovy at kinausap kami. Hindi na daw kami tatanggalin sa JSP. Nakiusap siya kay Ma’am Chang (HR and Finance Manager) na patapusin na yung natitira pa naming oras para sa OJT. Nagkasundo naman daw sila.


Natuwa ako sa sinabi ni Sir Jovy. At least makikita ko parin ang JSP bukas, at sa susunod na bukas, at sa susunod pa. Nag-email na din ako kay Sir Rom nung araw nay un. I’m going to stay here at JSP Sir. I know the risks but I am prepared to accept the consequences of my decisions, ganyan ang naging tunog ng email ko sa kanya.


Umuwi kaming lahat ng masaya kahit na ang paligid namin ay nababalot ng kalungkutan. Habang papauwi ay ipinaala sakin ng Diyos ang magandang plano niya sa buhay ko.


For I know the plans I have for you. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Lesson for the day:

The Lord has great plans for our lives. It’s already a fact. We just need to believe.

Links

JSP · Jer 29:11

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: