UP Computer Science Interns' Blog

May 16, 2010

AUB #2

Filed under: aub_200708439 — ayne07 @ 5:31 pm
Tags: , ,

Ikalawang araw.

Kinausap kami(ako at Master Joanne) ni Sir James. Si Sir James ang boss ni Master Joanne at ayon nga sa “Law of Transitivity” ay boss ko na rin. Siya ang nagpaliwanag ng system na aming gagawin. Ang system na iyon ay isang database system kung saan ang mga kliyente ng bangko ay maaaring mag-upload ng “loan files” sa sarili nila na may iba’t-ibang file formats at kami na ang bahalang kunin ang bawat detalye sa mga files na iyon na syang ilalagay sa database. Ang aking gagawin ay isang Encryption/Decryption System para sa seguridad ng mga ia-upload na files.

Visual Basic ang language na gamit namin at sa buong ikalawang araw ko ay inaral ko lamang sya. 🙂

*Sa kabilang dako*
Nagulat na lamang ako nang biglang umingay at halos nagsisigawan na ang mga tao sa may likod ko. haha
Nagtatalo sila tungkol sa kulay ng UP.
Sir James(na usually ay malakas ang boses): Ikaw Aina, taga-UP ka rin diba. Anong kulay ng UP?
Ako: Maroon po.
Sir James: Ano pa?
Ako: Green.
Ate Binder: hindi hindi!
Kuya Ronx: Wala na Binder talo ka na. Maghanap ka ng kakampi mo.
Ate Binder: Kulang yun, Gold pa! Kulay rin yun ng UP.
Kuya Alain: Pwede syang kulay ng UP pero sa UAAP games green at maroon ang main colors.
Sir James, Kuya Ronx, Kuya Alain: Wala Binder talo ka!!

haha. wala lang. Marami palang UP alumni sa AUB. Ang saya. 🙂

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: