UP Computer Science Interns' Blog

May 16, 2010

AUB #3

Filed under: aub_200708439 — ayne07 @ 5:39 pm
Tags: ,

Ikatlong Araw.

May bagong pasok sa AUB. Fresh grad ng UP. yey! may makakasa-kasama na ko.  (Si Au at Angge nasa AUB din :P)

Inumpisahan ko nang gawin ang una kong proyekto. Mayroon silang binigay na sample codes na pwede kong pag-aralan. May bago pala akong master. Si Master Edmund. 🙂 Mayroon rin syang ginagawang Encryption/Decryption System kaya minsan ay nagtatanong ako sa kanya. 🙂

Ikalimang araw.
Natapos ko nang gawin ang aking unang module. Ang saya! Hindi ko na masyadong ipapaliwanag yung code ko dahil hindi ata pwede. *Security reasons daw* Salamat kila Master Joanne at Edmund! 🙂

*Sa kabilang dako*
Inaayos ko ang code ko nung hapong iyon. Mag-aalasais na ata ng gabi at hindi pa ko umuuwi. Ang uwian ko ay 5:30.
Nagkakaagawan nga pala ng upuan sa departamento. Marami pa daw kasing naiwan sa lumang gusali. Kaya minsan kapag pumupunta ako sa CR, wala na ang trono ko pagbalik ko.

May bisitang dumating.

Sir James(malakas usually): Hay nako! Yung mga iba dyan umuwi na nga! Buti pa si “ano” on time umuwi. Yan ang mahusay na empleyado. Wala nang maupuan yung mga bisita ko. Umuwi na kayo! *sabay tingin saken habang tumatawa*

hahahaha. Sorry na sir. Eto na. Uuwi na.

Unang linggo sa trabaho. Masaya! 🙂

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: