UP Computer Science Interns' Blog

May 17, 2010

AUB #4

Filed under: aub_200708439 — ayne07 @ 9:20 pm
Tags: , , , ,
Ikalawang Linggo.
Ikaanim na araw.
Amoy DCS.
Oo. Merong amoy ang DCS. Amoy Rugby o kung ano man yun. Basta yung amoy na kaaway ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit ako hinahabol ng amoy na ito. Wala nga ako sa DCS ay kasama ko pa rin ang kaadik-adik na amoy na ito. Marami pang inaayos sa aming palapag kaya di maiiwasan ang mga ganitong amoy. Adik na kaming lahat pagdating ng tanghali. Kaya naman bonggang-bonggang “hyper” na naman ni Sir James. (Marahil ay napapansin nyong lagi akong may kwento tungkol kay Sir James. Naaalala ko kasi sa kanya si Sir Mike at Sir Mario. Combo. Oha. Oha)
Isipin nyo na lang yung mga panggayaya ni Sir Mario kay Girlie at Boyet na si Sir Mike ang nagsasabi. hahaha. 😛
Hindi pa pala sinasabi sa akin ang susunod kong gagawin kaya tumutulong muna ako kay Master Joanne at nag-aaral ulit ng VB6.
Ikapitong araw.
Kinausap ako ulit ni Sir Al para sa susunod kong proyekto. Ang gagawin ko ay isang Fingerprint Reading System. Binigyan niya ako ng fingerprint reading device at ng mga software na kailangan.

Nireformat pala yung PC ko. Dati kasi ay naka-Windows 2000 ako at pinalitan ng Windows XP dahil doon daw lamang gagana yung device para sa bago kong proyekto.

Tinest ko yung device kung gumagana. Ngunit nagkaroon ako ng problema dahil kalat-kalat ang mga files at installers na kailangan at kinailangan ko pang basahin ang lahat ng readme at help files na binigay sa akin. Na sa kabuuan ay mahigit sa sampu ata. Karamihan sa mga ito ay masyadong technical(tungkol sa pagconfigure ng mga ganito-ganyan etc) kaya hindi ko masyadong naintindihan. Nung nahanap ko na yung installer nung mismong device para matest ko, teden! Hindi sya gumana. Hinanap ko si Sir Al para sabihin sa kanya ngunit wala sya at masyado atang abala sa ibang palapag. Sinubukan kong i-uninstall at iinstall muli ang device ngunit ayaw pa rin. Hihintayin ko na lang muna si Sir Al.

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: