UP Computer Science Interns' Blog

May 17, 2010

AUB #5

Filed under: aub_200708439 — ayne07 @ 9:24 pm
Tags: , , ,
Ikalawang Linggo.
Ikawalong araw.
Pinag-aaralan at binabasa ko pa rin ang mga readme at help files para sa aking bagong proyekto nang ako’y tawagin ni Sir James at Master Joanne. Binigyan nila ako ng isa pang proyekto. Eto naman ay isang Web-based application na magrerecord at mag-oorganize ng mga updates/news/meeting agendas etc ng iba’t ibang departamento. Binigay nila sa akin ang mga detalye at mahahalagang specs ng application na ito. Gagamit daw ako ng Java (WebLogic) at kailangan ko nang mag-umpisang aralin ito. *Goodluck Aina! Dala-dalawa ang projects mo. haha*

Sir James: So ano kaya mo? Madali lang yan. Kayang-kaya mong matutunan agad yung WebLogic, andyan naman si Joanne e.
Aina: Ah. Opo. Sige po. Kaya yan. 🙂
Sir James: Good. Ano bang ginagawa mo ngayon?
Aina: Yung sa fingerprint po.
Sir James: Ay ginagawa mo na yun?!
Sir James to Sir Wil: Sir, ginagawa na pala nya yung sa fingerprint e. Sa iba na lang naten ipagawa ito?
Sir Wil: O sige, kay Clint mo ipagawa since naaral na naman ata nya yung WebLogic.
oooookaaaayyyy…….. matapos ipalawanag ni Sir nang bongga sa akin ang project.
Sir James to me: O ayan ginulo lang kita. Para naman magulo yang isip mo. Mabuti yan. hahaha

Salamat po ng marami Sir James. hahaha
Balik sa trabaho. Ayaw pa ring gumana ng device. Inisip kong aralin ko muna yung codes sa SDK (Software Development Kit) na kasama sa mga files na binigay sa akin. Nakasulat ito sa tatlong languages. Pascal, C at VB.NET. Dahil pinag-aralan na dati ang C, yun muna ang una kong pinag-aralan.
Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: