UP Computer Science Interns' Blog

May 17, 2010

AUB #6

Filed under: aub_200708439 — ayne07 @ 9:29 pm
Tags: , , , ,

Ikalawang Linggo.
Ikasiyam na araw.

Kahapon ay nag-install ako ng package para sa built-in methods na maaaring gamitin sa SDK na binigay nila. Nag-install rin ako ng gcc para mai-run ko ang C program na kasama ng SDK.

Pagdating ko sa office kinabukasan at pagbukas ko ng PC, Nawawala ang Desktop ko! Walang taskbar, wala lahat! Ctrl+Alt+Del na lang ang pag-asa ko. Gumagana naman ang Task Manager. Binuksan ko ang Command Prompt gamit ito. Nandun pa rin ang files ko. Chineck ko ang Processes. Nandun naman si explorer.exe. Tinry kong i-end ang process ng explorer.exe at binalik ulit. Wala pa rin. Panic!

Buti na lang at dumating si Kuya Ronx.
Aina: Kuya, nawawala po yung Desktop ko. :((
Kuya Ronx: Talaga? Let me see.

Binuksan nya ulit ang Task Manager. In-end ang explorer.exe at binalik muli tulad ng nauna kong ginawa. Wala pa rin. Hanggang sa kung ano-ano nang process ang in-end nya na hindi ko maintindihan. Pagka-end ng isang process ay bumalik ang Desktop ko. *Relief* Ang process na yun pala ay kasama sa package ininstall ko kahapon (BackOfficeHelper.exe). Ang sabi nya ay i-try kong iuninstall-install ulit yung package na kinabibilangang ng BackOffice at tingnan kung ganun pa rin ang nangyayari. Ganun pa rin. 😐 Kaya naman tuwing binubuksan ko ang Desktop ko ay binubuksan ko ang Task Manager para i-end ang process na iyon. Hay.

*Sa Kabilang Dako*
Nagpapizza sila sa office. Yey! Birthday nila Sir Dan, Kuya Alain at Ate Steph. Happy Birthday po! 🙂

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: