UP Computer Science Interns' Blog

May 25, 2010

Cyberloafing

Filed under: dcs_200719929 — shippou @ 9:10 pm

Iyan ang binigay na salita ng PC World sa mga taong walang ginagawa sa opisina kundi ang gumawa ng mga bagay na walang kinalaman sa trabaho nila gamit ang Internet. Samakatuwid, nagsasayang ng bandwidth. Tulad ng mga iba kong kilalang mga propesor na maraming nagagawa sa magandang mundo ng Facebook.

Inaamin ko na madalas ko ring gawin ito. Iniisip ko nga na binabayarin kami para manood sa YouTube, magbasa ng blogs sa LiveJournal, mag-blog sa WordPress, makipag-chat sa Plurk,  mangamusta sa Facebook, magbasa ng spam sa Gmail, magpadala ng spam gamit ang Yahoo!, at mag-enlist sa CRS, samantalang ang dapat na ginagawa namin ay nagsusulat ng PHP at JSP codes at ayusin ang DOM gamit ang CSS, HTML at JavaScript (aka ECMAScript).

Sabagay, hindi rin naman nila kami masisisi. Ganito rin kami gumawa ng MP. Ganito rin mag-aral para sa mga pagsusuulat kinabukasan. At wala rin namang pakialam madalas ang mga boss namin. Basta may nagagawa kami, iyon ang mahalaga.

Nakakakonsensya lang kasi minsan, na maiisip mo na inaaksaya ang pera ng taumbayan na pambayad para sa kuryenteng nagugugol sa aircon at flourescent lights na palaging nakabukas. Hindi pa kasama ang maghapong iMacs na naka-boot sa Mac OS X para mag-Photo Booth, iTunes at mac Crack Attack.

Sabi sa akin ng mga boss ko, bawal ang games. Nalabag ko na ito dahil mayroon akong Mac Crack Attack dito sa iMac ko. Pauso nina Ed at Mervin.

Sabagay, suwerte rin kami at hindi kami masyadong napapagod. Pero malas din, kasi walang gaanong motivation (maliban siguro sa Britney Spears collection ni Ed na madalas niyang patugtugin).

Pero kung sasabihin mong wala akong nagawa kung hindi magsulat sa Facebook, nagkakamali ka.

Gusto mo ng katibayan? Pumunta lamang sa apps.facebook.com/survey_toolkit at payagan ang aplikasyon na makuha ang iyong mga personal na mga detalye sa buhay. Pero huwag muna ngayon, kasi hindi pa masyading tapos.

Sandali lang a? Nagyayaya sila Mitch ng Photo Booth session. Kodakan muna.

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: