UP Computer Science Interns' Blog

May 25, 2010

Dude…

Filed under: dcs_200719929 — shippou @ 8:54 pm

Iyan ang (isa sa mga) madalas bigkasin ng tatlong PhiSci interns ni sir Philip.

Oo, may interns si Sir Philip. Tatlong PhiSci ‘buddies’.

Sa pagkakaalam ko, dumating sila noong ika-dalawamput-isa ng Abril, mga araw na matapos kami ni Kuya Nestor na magsinop ng laboratoryo.

May elemento ng cryptography ang ginagawa nila. Pero sa pagkakarinig ko sa mga argumento nilang madalas, mukhang randomized substitution cipher ang nagawa nila. Hindi maganda sa pandinig ng isang batikang cryptographer (tulad ni Sir Philip).

Madalas rin silang maglaro dito sa lab. Mga tipong Pokémon ang isa sa mga laro nila. Minsan ay PvZ, o di kaya naman ibang laro na hindi ko alam (at wala akong balak na alamin).

Bukod sa madalas na pagsasabi ng ‘dude’, madalas rin silang mag-away. Nakakatuwa silang mag-away, dahil para silang hindi magkakaibigan (at  magkakakilala) kung magsagutan sila.

Kaya nga isang araw (noong ika-labimpitong araw ng Mayo) ay pinagtripan ni Ed na bilangin ang kanilang pagsasabi ng dude (maliban pa sa mga ilang bagay). At mula noon (hanggang April 24) ay binibilang na namin ang mga ito:

May 17, 2010:

Dude Counter: 18

dammit: 1

it’s over: 7

Oh God!: 2

May 20

91 = dude

Quotes:

“Your invention sucks, man!”
“Dude, fail ka…”
“Dude, I hate you…”
“Dude, I am just relying on your logic here, okay?

May 21

11 = dude

Oo, wala akong log nang 18. Na kay Ed yata iyon. Wala ring pasok noong May 19 kasi pumunta sa Pampanga ang faculty.

Sa ngayon nga medyo nakaka-miss dahil wala na kaming mapagtitripan.

Sabagay, sabi ni Ed ay mukhang dito rin sila papasok sa darating na semestre.

Good luck naman sa kanila.

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: