UP Computer Science Interns' Blog

May 25, 2010

Nagkukumahog.

Filed under: dcs_200719929 — shippou @ 8:25 pm

Grabe talaga. Nakakahiya.

Ito ang pinakaunang entry ko dito. Buti na lamang at kahit papaano ay nakahabol.

Nakakainis lang kasi napaka iresponsable ko naman. Wala sa lugar. At kulang pa sa panahon.

Tinatakbuhan na ako ng panahon.

Sa application development pa lang ay nag-uumpisa nang akong kulangin sa oras. Kamusta naman iyon. Gumagawa ako ng blog + web app dito sa CSG lab ng 8:15 PM.

Sabagay, ayos lang naman kasi enjoy naman ako sa ginagawa ko. At kahit papaano rin, enjoy ako sa mga kasama ko.

Actually, balak ko i-upload ang aking ‘Daily Updates’. Pagkatapos nito, gagawin ko.

Some important information about me:

Una sa lahat, Facebook application ang pinagkakaabalahan ko ngayong summer. Napapasailalim ako kina Sir Mike, Sir Philip, Sir Cedric, Ma’am Susan at Ma’am Chris.

Sayang nga lang at aalis na si Sir Mike. maraming makaka-miss sa kanya dito sa dept, at isa na ako sa kanila (grabe, nagbibigay ng uno iyon!).

Hanggang May 28 pa ako magtatrabaho. Kaso dahil sa napakawalang-kwenta ng documentation ng Facebook ay palagi akong nahahapo. Naiinis dahil feeling ko ay wala akong nagagawang masyado sa araw-araw na inilalagi ko rito sa laboratoryo.

Nakakainis (at nakakatuwa) pa ang mga kasama naming mga ‘conyo’ na mga taga-Pisay dito sa lab. Ingles nang ingles. Kaya nga pinagtripan namin nina Ed na bilangin ang ilang mga katagang madalas nilang sambitin. (Hanapin sa mga susunod na mga blog posts ang mga iyon.)

Sa ngayon, ayos naman at nasa ‘final stages’ na ako ng development. May quotes kasi nahinto na naman ako sa ‘stream publishing’. Grabe kasi, napakaganda ng API at documentation ng Facebook, na minsan ay mas maganda pang basahin ang source code ng SDK nila kaysa sa kanilang ‘official documentation’. Nakakapagpabagabag talaga.

Sabi ni Ed ay masyado na raw itong mahaba. Kaya magpapaskil na lamang ako ulit ng isa pa.

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: