UP Computer Science Interns' Blog

May 26, 2010

Late

Filed under: dcs_200719929 — shippou @ 10:56 am

Kararating ko lang. Nakakainis.

Siguro sadyang masarap lang ang tulog ko kagabi,, kaya tinanghali ako ng gising at huli nang dumating. Pero hindi pa rin kasi nagising ako ng alas-singko. Pero itinulog ko pa rin.

Masarap matulog, lalo na kung mainit.

Ngunit pagdating mo sa opisina, haharapin mo na ang mga realidad ng buhay: mga trabahong dapat tapusin, mga pangangailangang dapat ipasa, mga gawaing dapat isakatuparan. Wala pa riyan ang katamarang dapat labanan, mga tuksong dapat iwasan, at ang panaka-nakang aya ng mga kaibigan at katrabahong mag-cyberloaf.

Isama mo pa ang napakapangit na documentation ng Facebook, ang madalas na mga errors na lumilitaw na kailangang i-debug, ang code na dapat i-refactor at iayon sa madalas na pagbabago, at ang hindi mawala-walang testing. Kasama pa riyan ang pangangailangang magpalit-palit ng networks (DILNET at CSG) para lang makapag-upload ng mga files sa server para ma-test.

Kalbaryo talaga.

Sana nga matapos na rin ito para kahit papaano’y makapagpahinga rin ako. (Sabagay, natutuwa rin naman ako sa mga pinaggagagawa ko rito, kaya medyo ayos pa rin naman.)

Makagawa na nga.

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: