UP Computer Science Interns' Blog

May 28, 2010

Mac OS X

Filed under: Uncategorized — shippou @ 7:00 pm

Isa sa mga ‘pangarap’ ko ay magkaroon ng Mac, lalo na iyong OS. At kahit papaano ay nakagamit din ako full time dito sa trabaho.

Nakakatuwa lang kasi kahit papaano ay tinotoo ng Apple ang pangako nilang padaliin ang paggamit ng isang computer. Sa pag-install pa lamang ng applications na simpleng drag-and-drop sa Applications folder at mga magaganda nilang aplikasyon tulad ng Dashboard, nakakatuwa talaga ang tinatawag nilang ‘Mac experience’.

Iyon nga lang, sa sobrang pinadali nila ang lahat, minsan nakakainis din ang Mac. Tulad na lamang ng pagbubura. ako pa naman ang taong hindi sanay na pinupuno ang Trash. E hindi nga ako naglalagay doon e. Diretso bura. Sa Mac pwede rin naman via the command line, pero wala sa GUI.

Mataas din ang security ng Mac dahil sa pagiging UNIX nito. kaya nga sinasabi nila na ang Mac ay ‘dumbed-down’.

Isa lang ang masasaabi ko: ipinamukha nito sa akin na ang bawat OS ay magkakaiba. May mga kanya-kaniyang kalakasan ay kahinaan, at mag kanya-kanyang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay.

At least maipagmamalaki ko na nakagamit na ako ng tatlong operating systems, at medyo proficient ako sa bawat isa sa kanila.

Advertisements

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: