UP Computer Science Interns' Blog

May 28, 2010

Office Bloopers

Filed under: dcs_200719929 — shippou @ 6:48 pm

Madalas Minsan, hindi maiwasan na hindi mabagot dito sa trabaho, kaya gumagawa kami ng kung anu-ano.

Nag-umpisa ang lahat nang dumating sina Ed at Mervin dito sa opisina. Bago iyon, nakaktulog lang ako sa pagbabasa ng documentation ng FB API (yung REST). Sila ang nagpakilala, lalo na si Ed, sa akin ng totoong halimbawa ng cyberloafing.

Napapasailalim sila kay Sir Edge. Gagawa ng susunod na reinkarnasyon ng Web site ng Engineering. Ako naman, survey toolkit para sa Facebook.

Magkaiba ng mundo. Pero madalas magpa-impluwensiyahan sa isa’t-isa.

Kaya naman, ito ang mga paraang ipinamahagi nina Ed sa akin kung bagot ka na sa ginagawa mo (o kung trip mo lang talagang walang gawin):

1. Mag-YouTube.

Dahil sa hindi naman blocked ang YouTube ng DILNET, masayang gamitin ito lalung-lalo na sa trabaho at libre ang Internet. Ang mga listahan ng maaaring mapanood mo sa YouTube ay:

a. Annoying Orange
b. Misspelling Gee
c. Videos ng OK Go
d. Videos ng FailBlog.org
e. Awareness Test videos
f. Mga iba pa diyan sa tabi-tabi, tulad ng AMVs, OSTs
g. Kung bagot na, gawing iTunes ang YouTube

2. Kumain sa lab.

Oo, bawal kumain sa lab. Kung may nakakakita.

3. Mag-iTunes gamit ang iMac.

Palibhasa’y mga dukha lamang, minsan ka lang naman makagamit ng iMac. Kaya gamitin ang iTunes at mag-jamming habang gumagawa.
Ilang mga madalas patugtugin dito sa lab (maliban sa Anime collection, Aegis soundtracks, t.A.T.u. Russian music, at panaka-nakang Filipino classics tulad ng ‘Nagmahal ako ng Bakla’ ng Dagtang Lason):
a. Britney Spears collection, lalung-lalo na ang ‘Oops, I did it again’
b. Mga English songs na hindi ko naman gusto

3. Gamitin ang QuickTime ng iMac.

Kapantay ng popularidad ng iTunes ang Quicktime. At ano ba ang ginagawa gamit ang aplikasyon na ito? Manood! Kaya iinggitin kita nang mga pinanood namin dito sa laboratoryo:
a. high-definition video ng OK Go, iyong ‘It Too Shall Pass’
b. Fate Stay Night movie. Hindi ko alam kung ano, basta iyon.
c. Hang Over movie.
d. At dahil huling araw ngayon, manonood yata kami ng pelikula muli ngayon.

4. Gamitin ang Photo Booth ng iMac.

May blog entry dito si Issa (ata) tungkol sa Photo booth Madness. Mahilig si Ed dito, lalo na iyong mga effects. Sabagay, nakakatuwa naman talaga iyon.

5. Kung walang Photo Booth, gumamit ng Digicam.

Ito naman ang paboritong gawin ni Mervin.

6. Bumisita ng mga web sites.

Ako ata ang nagpauso nito. Nagsimula sa livejournal.
Mga magagandang bisitahin na Web sites:
a. Fail Blog.org
b. Shit Brix
c. Plurk

7. Pagtripan ang PhiSci interns ni Sir Philip.

Aminado ako, ayaw ko sa kanila. Medyo conyo kasi. Kaya naman pinagtripan namin nina Ed na bilangin kung ilang beses nilang sabihin ang mga mapagtripan naming kataga, lalong lalo na ang ‘dude’. Sa totoo lang, iyong pagbibilang ng kung ilang beses nilang sabihin ang salitang ‘dude’ ang inspirasyon niya sa trip na ito.

8. Maglaro sa iMac kahit bawal.

Actually, Mac Crack Attack lang ang naka-install na laro dito sa mga iMacs namin. Malibann sa panaka-nakang pag-PvZ ni Ed sa kanyang laptop, hindi rin kami madalas maglaro. Pero iyong mga PhiSci kids, grabe. Naglalaro sila sa iMacs (sa tingin namin). Nahuli ata sila minsan ni Ma’am Susan. Ewan. Medyo natigilan ata sila.

9. Magyaya ng ibang tao sa lab.

Hindi naman talaga kami nagyayaya, dahil sila ang pumupunta dito. Sa ngayon nga, habang sinusulat ko ang blog na ito, narito si Mitch at nanonood kami ng pelikula. Pumupunta rin sina Patrick at Camille dito paminsan-minsan.
Trivia: tunog-makina ng aircon ang ulan sa labas ngayon.

10. Umuwi nang gabi.

Kapag sinabing gabi, mga tipong alas-siyete ng gabi. Pinakagabi naming uwi ay mga alas-diyes ng gabi. Mga tipong wala nang masakyan, at umuwi na lahat ng mga propesor. Masaya naman, kasi sabay-sabay kaming umuuwi at nagkukwentuhan din sa daan.

Kaya iyan, hindi ka na mababagot sa departamento habang nagtatrabaho ka. Sabayan mo pa na wala namang masyadong pakialam ang mga tao dito sa departamento (READ: mga tao sa katabing faculty room) basta nagagawa mo ang mga ipinagagawa nila, at nasa langit ka nga naman (READ: magiging masaya) dito habang nagtatrabaho.

Sige, manonood muna ako.

Advertisements

1 Comment

  1. Please check the Acceptable Use Policy for IT of the University.

    Comment by rom — May 28, 2010 @ 7:05 pm


RSS feed for comments on this post.

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: